this is our HOME and we all have the RULES

HISTORY

Ang GBS o Gorgeous Bitches Society ay isang samahan na binubuo ng anim na magkakaibigan. Sina Jeselle, Mabeth, Rhey, Orlyn, Dawn at Jane. Sa simula ay parang biruan lang ang samahan ngunit ng lumaon ay napag isip-isip namin na bakit hindi namin seryosohin? Naalala ko pa kung saan namin nakuha ang salitang BITCHES. San nga ba? Hmm..oo nga pala!. Sa Professor namin sa Psychology. Pare-parehas kaming nasa unang baiting ng kolehiyo. At salamat sa Diyos at hanggang ngayon ay nakakasurvive pa din. Puro BS Accountancy ang course namin. Bigatin ika nga sabi ng nakakarami. Well, totoo naman. Isa sa pinakabigating course ang BS Accountancy sa School namin kaya nasabi ko ring survivor kami. Pero kahit ganun hindi pa rin nawawala ang lakwatsa sa barkada. Ang hang out? National Bookstore ng Sm Manila kung saan malapit sa school. Dahil mahilig magbasa, lahat ng pansin ay napatutok sa nag iisang libro ng kababaihan. “Why Do Men Love Bitches?” Halos lahat ay may nakapaskil na ngiti sa mga labi. Sabi na nga ba. Iisa lang ang iniisip ng lahat. Doon nagsimula ang kabanata. Marami mang dumadating na pagsubok sa samahan ay magkahawak kamay namin iyong hinarap. Sabihin man ng nakararami na masyado kaming papansin sa lahat ng mga nakapaligid sa’min ay wala kaming pakialam. Basta ang mahalaga ay magkakasama kami. Maraming haka-haka ang lumabas tungkol sa’min at sa grupong binuo namin, minsan nakakapikon pero talagang ganoon. Ang katwiran namin, masyado kaming magaganda at matatalino para patulan pa ang tsismis. Care naman namin sa kanila. Sino ba ang magkakawrinkles? Kami ba? Ang buhay nga naman, hindi magiging makulay kung walang mga kontrabida. At dahil kami ang bida, sorry na lang sila. Malalakas yata ang backer namin. At ang gwapo pa nilang lahat. Dahil na din sa kakapalan ng mukha namin ay marami kaming nakilala sa loob ng University. Kaya ang daming asungot sa buhay namin. Makakapal daw ang mukha namin. Ano ba ang pakialam nila? Bakit hindi ang buhay nila ang pakialaman nila. Masyado na yata silang naprapraning. Alam ko naman na mas magaganda sila samin. Ay! Kokontra yata ang mga kaibigan ko, ehehe…

© 2011 All rights reserved.

Create a free websiteWebnode